Epic fail ang pag-e-edit ko ng kantang na-edit ko na.
In the process, nasira lahat. Kaasar.
So, to take my mind off the stress, magsusulat muna ako.
Paano kaya kung…
= = =
… nag-uusap kayo ng taong pinakagusto mo.
You’re in mutual understanding with the person who’s about a year or two older than you. Kahit magkabarkada kayo, ayos lang. Kahit maging more than that, game lang din. Paano… Sobrang close kasi kayong dalawa, kasi siya ang numero unong kabiruan mo, kaharutan mo kung minsan, pero higit sa lahat, kakwentuhan mo kapag feeling mo nanghihina ka na at kailangan mo ng makakasama.
Take note, teh. Hindi lang ikaw ang nag-o-open sa kanya, pati siya, nag-o-open sa’yo.
Ipagpalagay na nating nag-uusap kayo, same tambayan, same time, same level of happiness and contentment sa usapan.
Lokohan nga kayo eh, tutuksuhin ka niya kasi may pimples ka nanaman. Ang paliwanag mo naman, hindi ka pa kasi nakakatulog ng maayos. But think of it. Paano ka ba makakatulog kung araw-araw, sandamakmak na kung anik-anik na kabusyhan ang inaatupag mo bukod pa sa pag-aaral mo sa eskwelahan?
Sasabihin mo naman sa kanya: “Nako! Para namang ikaw, hindi abala sa buhay mo, no?! ‘Diba sabi mo, from Monday to Wednesday, may plate ka pang papasa sa prof mo?” tapos, sabay hampas ng pabiro sa may balikat niya. Ngingiti naman siya, pero, matitigilan din. Sasabihin niyang magiging nakakapagod ang buhay niya ngayong week na paparating.
Okay. Nabuo na ang conversation niyo. Kaso, may naalala ka. Hindi mo nga pala siya makakausap sa weekly Wednesday gathering niyo kasi, prom niyo na.
Sasabihin mo na lang sa kanyang “Uy. Hindi nga pala tayo magkikita this week, ah!” na parang kulang nalang, magmakaawa kang huwag siyang magalit. Tapos, tatakpan niya tenga niya, at magkukunwaring hindi ka niya pinapakinggan. Pero, tatanggaling niya din yung kamay niya, at magtatanong din kung bakit.
Natural, sasabihin mo, prom mo kasi nang araw na yun, kaya hindi kayo magkikita. Tapos, akala mo, kung ano ang magiging reaksiyon niya kasi ang seryoso ng expression niya.
Kabado mode ka na at mapapaisip ka kung galit ba siya o ano kasi hindi siya nagre-react.
Tatayo siya bigla mula sa kanyang pagkakaupo sa tabi mo, haharap sa iyo, at titingin sa mga mata mo, sabay sabing…
“Oh, tara. Sayaw na tayo. Gusto ko, ako first dance mo.”
Kinabog ka naman ‘non, teh. Noh?
Pag-iisipan mo muna kung nagbibiro siya o hindi, tapos ngingiti ka. Okay lang na nagbibiro siya, eh. Pero, mukhang masaya yung idea na isayaw ka niya. First dance pa.
Kaso, paano yun? Graduate na siya ng high school, fourth year ka pa lang. Sa university na siya nag-aaral, sa ibang lugar ka pa…
Sinubukan mo ngayong subukan ang imposible. Nakipag-dare ka sa kanya. Pupunta siya ng prom mo para bisitahin ka, tatakas ka naman sa prom mo ng saglit para makita mo siya.
Akala mo na talaga, aayaw siya. Ine-expect mo nang lumabas sa kanyang mga labi ang mga salitang “Huwag na lang.” o kaya “Ano ibig mong sabihin? Iimbitahan mo ako sa prom mo? Seryoso ka?”.
Kaso, makakabog ka nalang kapag tumingin siya sa’yo at biglang nagtanong ng…
“Sa’n ba yun? Tsaka anong oras?”
Tapos, ngingiti ulit siya sa’yo. Hindi mo na rin mapipigilang suklian ang ngiting iyon. Parang may silent agreement nang nabubuo ang mga mata ninyo. Susubukan niyang i-fulfill ang dare mo, at na-e-excite ka naman to see him do it. Sasabihin mo sa kanya ang necessary details, with matching tayo from sitting position pa.
Tapos, tatayo siya sa tabi mo. Magkadikit na ang arms ninyo sa isa’t isa. Pero, you guys don’t mind. Walang gumagalaw. Walang umaalis sa ganoong pwesto. Magtitinginan kayo, magngingitian, tapos…
= = =
Ay. Grabe. Tapos nang ma-render yung mga files na i-re-re-edit ko. Time to get back to work.
Masayang pantasya ‘to for Valentines day, no? Pero, the question here would most probably be…
… would it be realistic?
Pwede rin ang…
… was it real?
Ang sagot ko diyan… siguro. Totoo ‘to, malamang. Maraming tao ang ganito ang sitwasyon sa buhay, mag-best friends, pero okay din na more than that ang level. Marami rin ang mga nag-aasam ng ganitong klase ng love story.
Pero kapag ang tanong na diyan ay…
… naging makatotohanan ba ang pantasyang ito sa’yo?
Nakow.
No comment nalang.
x]
<333